Riyadh, niyanig ng pagsabog; '30 Patay, Higit 100 Sugatan'

PLPHP - Reuters

RIYADH, Saudi Arabia-Niyanig ng tatlong pagsabog ang isang residential compound ng karamihan ay mga dayuhan sa Riyadh kahapon ng gabi ng hinihinalang kagagawan ng al-Qaida na kumitil ng 20 hanggang 30 katao at sumugat ng hanggang 100, ulat ng diplomat.

 

Ang pagsabog na naganap nang hating gabi ay naganap sa Muhaya compound na may 200 villa na pinananahanan ng Egyptians, Lebanese, Syrians at iba pang nasyon. Ayon sa isang opisyal pumasok sa lugar ang mga salarin at nakipagpalitan ng putok sa mga guwardya.

 

"This is a crime against innocents which is in the style of al-Qaida. It is an al-Qaida operation," hayag ng isang Saudi security source sa Reuters. "This is a suicide operation."

 

Habang patuloy sa paghahanap ng mga bangkay ang rescuers, sinabi ng isang Saudi-based senior Western diplomat na: "We don't have an exact toll and this is initial, but our best guess is that between 20 to 30 were killed and 50 to 100 were injured."

 

Isang Amerikano ang nasugatan sa pag-atake at isa ang naiulat na nawawala, anang US diplomat. Ang atake ay kasunod ng pagpapalabas ng US embassy ng babala ng mga posibleng pag-atake sa Gulpo. Tatlong diplomatic missions ng US sa Saudi Arabia ang isinara noong Sabado at bilang resulta ay nananatili pa ring sarado hanggang kahapon.

 

"We heard a very strong explosion and we saw the fire," ani Bassem al-Hourani, residente sa compound. "I heard screams of the children and women. I don't know what happened to my friends, if anybody was injured."

 

"I am extremely terrified; I am really scared. I felt it was an earthquake," kuwento pa ng isang babae na hindi nagpakilala.

 

1
1526
تعليقات (0)