GMA: Walang batas na nilabag sa pagpatay kay Villaruel

abs-cbn

Ipinaliwanag ng Pangulong Arroyo sa panayam ng radyo dzMM nitong Lunes na walang nilabag na batas ang mga awtoridad na nakapatay kina Panfilo Villaruel at Ricardo Catchiller na nagtangkang sakupin ang tore sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Sabado.

DzMM: Itong bigong takeover sa NAIA 2 control tower ang pinakalunduan nito ay nasisisi pa ang gobyerno dahil hindi naipatupad ang rules of engagement upang hindi humantong sa [pagkakapatay kay Panfilo Villaruel]?

Arroyo: Under threat ang isang national security installation. Tungkulin ng mga awtoridad na kumilos kaagad upang makuha ang command and control nitong toreng ito sa pinakamabisang paraan kasama na dito ang paggamit ng extreme force.

Ito ay hindi naman kailangan na manggaling sa utos ng pangulo.

Mayroon tayong [sinusunod na] batayan [sa] rules of security at isa dito ang mga critical installation o facility ay dapat kailanpaman ay hindi ma-compromise lalo na kung ito ay nagbibigay ng isang mabigat na banta sa public safety.

Ang banta sa air safety ay klarong klaro. Walang puwedeng senaryong ma-debate dito.

Ang transport at aviation authorities ang masasabi ko sa kanila ay sumunod sila sa tamang security doctrine. Walang overkill.

Ang assault team ay ginamit ang tamang puwersa para igiling ang resistant at mabilis na resolbah[i]n ang standoff.

Panahon na para tigilan itong syndrome ng Pilipinas na pagiging biktima ng mga maka-oportunistang destibilisasyon at terorismo.

Ipakita natin sa buong mundo na tayo ay [isang bayan] na siniseryoso ang mga hamon sa seguridad, seriously at hindi tayo mga waffler [at] hindi tayo fault-finder.

Ako ay nananawagan sa mga mamamahayag, mga opinion maker na huwag guluhin ang isyu na para bang ito ay isang bagay na public drama, politic o propaganda.

Binanggit ni Senate President Franklin Drilon na dapat daw magbitiw si Department of Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza dahil sa maluwag na seguridad na pinairal ni[ya] sa NAIA control tower?

Ang bagay na 'yan ay hihingin na lang natin kay Secretary Leandro Mendoza na siya ang sumagot at magpaliwanag ng kanyang panig.

Sa aking panig, hindi ako magi-speculate tungkol sa intention ni Villaruel o hindi ko din sisirain ang kanyang memory o alaala.

Siguro nga ay dakila ang kanyang intention pero he [had] crossed the line of the law at nagbayad siya ng mataas dito.

Walang personal na isyung kasama dito, and I condole with his family.

Hindi pala iba sa inyo ang pamilya Villaruel dahil sa ninang kayo ng anak ni Villaruel, ano po ba ang pagkakakilala n'yo sa pamilyang ito at mismong dito kay Villaruel?

Gaya ng sinasabi ko, hindi ako magi-speculate

 

1
1535
تعليقات (0)