SAUDI BLAST: Al-Qaida, Hindi tatantanan

PLPHP - AFP

RIYADH-Hindi titigil sa pagtugis ang Saudi Arabia hangga't hindi nila naaaresto ang mga salarin, na hinihinalang militanteng al-Qaida, sa pagpapasabog sa Al Muhaya compound kahapon na ikinamatay ng 17 katao at ikinasugat ng mahigit 120.

 

"We will get the perpetrators... who claim to be Muslim," ani Interior Minister Prince Nayef bin Abdul Aziz. "We will get to them, God willing, no matter how long it takes."

Inilarawan ng mga saksi at opisyal na nasa lugar na pinangyarihan ng insidente na suicide bombing, ngunit hindi malinaw kung isang kamikaze o higit pa ang kasangkot.

 

Kasunod ng pagsalakay, tinawagan ni US President George W. Bush si Crown Prince Abdullah upang tiyakin sa Saudi leader na ang United States "stands with Saudi Arabia in the war against terrorism," anang White House official.

 

Kahapon umabot na sa 17 ang death toll, kabilang ang limang bata. Ang mga nasawi ay pitong Lebanese, apat na Egyptian, isang Saudi at isang Sudanese, ulat ng ministry official, kasabay ng pahayag na hindi pa nalalaman ang nasyonalidad ng apat pang biktima. Naiulat na umabot sa 122 katao ang nasugatan, bagaman 25 ang kritikal pa sa ospital.

 

Base sa listahan, ang mga nasawi ay Bangladeshis, Egyptians, Eritreans, Ethiopians, Filipinos, Indians, Indonesians, Jordanians, Lebanese, Pakistanis, Palestinians, Romanians, Saudis, Sri Lankans, Sudanese, Syrians, at Turks, gayundin ang apat na Amerikano at anim na Canadian, karamihan ay Arab.

1
1537
تعليقات (0)