Saudi bombing, kinondena ng Malaysia, embahada di ipasasara

PLPHP - AFP

KUALA LUMPUR-Kinondena kahapon ng Malaysia ang pagsalakay sa Al Muhaya compound sa Riyadh, Saudi Arabia, ngunit tiniyak na pananatilihing bukas ang embahada nito, ayon sa ulat.

 

Ani Foreign Minister Syed Hamid Albar sa pahayagang The Star, ang pag-atake na ginawa sa buwan ng Ramadan ay terible at walang mabuting idudulot sa mga Muslim o sa Islam bilang relihiyon.

 

Ang insidente noong Linggo ani Syed Hamid, ay senyales na ang mga responsable sa pagsalakay ay "uneasy" sa relasyon ng United States at Middle Eastern countries.

 

Sa kabila ng pagpapasabog, tiniyak ni Syed Hamid na hindi susundan ng Malaysia ang pagsasara ng United States ng mga embahada nito sa Riyadh, sapagkat naniniwala ang Malaysia na ang seguridad sa lugar ay "under control."

 

"Closing the embassy is not the answer," aniya. "We must cooperate and support the Saudi government in their efforts to investigate and take the necessary action. The Americans have a different stand because they feel this is part of the anti-American sentiment around the world."

 

Humigit-kumulang 250 Malaysians ang nasa Riyadh, karamihan ay nagtatrabaho bilang nurse at ilan ay sa bangko, hotel, telecommunications at petroleum companies.

 

Nanawagan si Malaysian ambassador to Saudi Arabia, Wan Mokhtar Ahmad, sa kanyang mga kababayan sa Riyadh na mag-ingat at iwasang magtungo sa mga mataong lugar lalo na yaong puntahan ng mga Kanluranin.

 

1
1541
تعليقات (0)