Bagong yunit ng militar,kikilos sa Metro Manila

Joy Cantos, STAR

Dahil sa patuloy na banta ng terorismo at ng mga rebeldeng grupo sinimulan nang pakilusin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bagong tatag na yunit na tinawag nilang National Capital Region Command (NCRC) bilang pangunahing yunit ng militar na sasabak sa lahat ng banta sa seguridad sa buong Metro Manila at karatig lugar.


Ayon kay AFP Public Information Office chief Lt. Col. Daniel Lucero na bukod sa pagsugpo sa communist insurgency ay tungkulin din ng bagong tatag na command na tumulong sa kampanya kontra-terorismo at pag-agapay sa panahon ng kalamidad. Binanggit pa nito, na saklaw ng operasyon ng NCRC ang lahat ng bayan at lungsod sa Metro Manila at pati na ang ilang karatig bayan tulad ng Bacoor, Sangley Point, San Pedro, Laguna, Rodriguez, Antipolo City, Taytay, San Mateo, Cainta at Angono sa Rizal.


Ipinaliwanag pa ni Lucero na kailangang i-activate ang panibagong yunit dahil sa tumataas na ang banta ng terorismo sa bansa. Si Major General Alberto Fernando Braganza ang itinalagang kauna-unahang commander ng NCRC.


Si Braganza ay magugunitang dating commander ng Army’s 7th Infantry Division na nakabase sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na papalitan naman ni Major Gen. Raul Relano.

 

1
1543
تعليقات (0)