Kaguluhan sa Kashmir nagkalat; 14 Patay

PLPHP - AFP

SRINAGAR, India-Labing isang militante at tatlong sibilyan ang napatay sa isang separatist-related violence sa Kashmir, hayag ng pulisya kahapon.

 

Tatlong rebelde at dalawang sibilyan, kabilang ang isang babae, ang napatay sa magdamag na palitan ng putok sa Koel Muqam village, malapit sa bayan ng Bandipora, 60 kilometro (38 milya) mula sa summer capital Srinagar, ayon sa pulis.

 

Nagsimula ang engkwentro nang dumating ang tropa sa lugar at nagpaputok ang mga militanteng nagtatago sa mga bahay.

 

Tatlo pang rebelde ang napatay kahapon sa border village ng Kreeri sa Rajouri district, 180 kilometro (112 milya) kanlurang bahagi ng winter capital Jammu, habang bumabagtas sa Indian Kashmir, hayag ng pulis.

 

Sa Mughal Maidan, sa Kishtwar area nasawi ang tatlong militante habang dalawa ang napatay sa katimugang distrito ng Poonch kahapon, anang pulisya.

 

1
1547
تعليقات (0)