Pista ng Ramadan, non-working holiday - Palasyo

Kabayan

IDINEKLARA ng Malakanyang ang Miyerkules, Nobyembre 26, 2003, bilang special nonworking day sa buong bansa upang ipagdiwang ang Eid-Ul-Fitre o Pista ng Ramadhan.

 

Sa Proklamasyon Blg. 498, sinabi ni Executive Sec. Alberto Romulo na ang sambayanang Pilipino ay dapat magbigay ng lubos na pagkakataong makiisa sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng mahalagang araw na ito kasabay ng pagsusulong ng ibayong unawaang kultural at integrasyon.

 

Sinabi rin ni Romulo na dapat ipahayag bilang special nonworking day ang Nobyem-bre 26 sa buong bansa nang hindi naman mapipinsala ang kapakanang pambayan upang bigyang diin ang halagang panrelihiyon at pangkultura ng Pista ng Ramadhan sa kamulatang pambansa.

 

Ang Republic Act No. 9177 ang nagpahayag na regular na pista-opisyal ang Eid-Ul-Fitre, na nagbabago taun-taon ang petsa salig sa pagsilang ng bagong buwan.

1
1568
تعليقات (0)