OFWs, hindi pinagbabayad sa E-cards

J. Corpuz, Kabayan

PINABULAANAN ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople ang mga ulat na hinihingan ng pera ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na gumagamit ng electronic card.

 

Nauna rito, iniulat na pinagbabayad ang mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong ng US$25 para sa pagproseso ng E-cards.

 

Pero kinumpirma ni Ople na ang mga kasalukuyang miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration na nagbayad na ng US$25 membership fee ay may karapatan sa E-card samantalang ang iba ay maaaring kumuha ng kanilang E-card sa oras na nagbayad na sila ng OWWA membership na US$25

.

Ang OFW Electron Card ay identification card na inisyu ng Department of Labor and Development sa pamamagitan ng mga attached attached agency na OWWA at Philippine Overseas Employment Administration.

1
1590
تعليقات (0)