Military Asset, 'pinutulan,' pinatay ng NPA

Florante Solmerin, Kabayan

ILAGAN, Isabela-Inakusahan kahapon ng Northern Armed Forces ang mga miyembro ng New People's Army sa Zambales province ng pagpapahirap at pagputol sa ari ng isang civilian military asset bago tuluyang pinatay makaraang kasuhan ng counter-revolutionary activities.

 

Sa ulat ng 5th Infantry Division, kinilala ni Lt. Gen. Romeo Dominguez ang biktima na si Julio Romero ng Sitio Pili, Bgy. Balingcaguing, San Felipe, Zambales.

 

"He was forcibly abducted by NPA rebels then subjected to summary execution last Wednesday at around 10:30 in the evening," saad ni Dominguez sa kanyang pahayag.

 

Aniya pa, si Romero ay tinortyur hanggang sa mamatay ng humigit-kumulang 15 armadong rebelde sa pangunguna ni Charlie Daylo alayas Ka Joven ng Bataan-Zambales Provincial Committee na may codename na "Glorieta." Bukod sa pagpapahirap na ipinaranas sa biktima, pinutulan din ito ng ari.

 

"The NPA executioners castrated the victim before killing him. The gruesome fate of Romero belies communists' claim that they strongly condemn human rights violation. They even cut off his penis and placed it on Romero's mouth," hayag pa ni Dominguez.

 

 

1
1593
تعليقات (0)