US, di pa rin aalis sa Iraq

Kabayan

WASHINGTON-Sanhi ng presyur mula sa Baghdad at mga kaalyado ng US, binabago at sinusulat muli ng administrasyong Bush ang political plan nito para sa Iraq upang mabilisan ang paglilipat ng kapangyarihan sa pamamagitan ng eleksyon sa unang anim ng buwan ng susunod na taon at pagtatatag ng bagong gobyerno bago pa man maisulat ang konstitusyon, anang opisyal.

 

Sinabi ni National Security Adviser Condoleezza Rice na kinakailangan nang bigyan ang Iraqis ng malawak na kontrol sa lalong madaling panahon dahil "they are clamoring for it; they are, we believe, ready for it." "It does not mean we would physically leave the country any sooner," ani Defense Secretary Donald Rumsfeld. "What it means is the Iraqis would begin to take on a greater portion of responsibility for governing themselves sooner."

 

Armado ng mga panibagong atas mula kay President George W. Bush, bumalik si Lt. Paul Bremer, US administrator sa Iraq, sa Baghdad upang mangalap ng consensus sa Iraqi Governing Council tungkol sa pagbubuo ng interim government.

 

Ang pagbabago ng White House ng estratehiya ay hindi lamang pagbibigay sa hinihinging kapangyarihan ng Iraqi kundi magbibigay-daan din kay Bush upang bawasan ang bilang ng tropang Amerikano bago ang eleksyon sa susunod na taon.

 

"We want the Iraqis to be more involved in the governance of their country," anang pangulo sa mga mamamahayag.

 

Sa loob ng ilang buwan, iginiit ng administrasyon na bumuo ng konstitusyon ang Iraqi leaders at magsagawa ng eleksyon bago ilipat sa kanila ang kapangyarihan. Ngunit ani Rice, hindi na makapaghintay ang Iraqi council members para sa bagong konstitusyon.

 

"And so it's the timeline on the permanent constitution that's really extended," aniya. Ayon kay Rice, "the transfer of more authority to Iraqis can happen at any time and hopefully will happen well short of a year."

 

1
1594
تعليقات (0)