Magsaysay: AFP Reform tugon sa Seguridad

Kabayan

SUSI ang Armed Forces Reform Body sa lahat ng di matigil na banta sa pambansang seguridad, ayon kay Sen. Ramon Magsaysay Jr. kahapon.

 

Idinagdag pa ni Magsaysay, chairman ng Senate committee on National Defense and Security na ang 25-kataong grupo na nilikha para magsagawa ng mga pagbabago sa military sa loob ng limang araw, alinsunod sa rekomendasyon ng mga eksperto sa Pilipinas at US, ay tugon sa mga banta sa seguridad ng bansa Ipinaliwanag pa ni Magsaysay na ang Joint Defense Assessment (JDA) group ay binuo kasunod ng pag-aaral ng mga eksperto at inendorso nina Pangulong Arroyo at US President George W. Bush ayon kay Defense Sec. Eduardo Ermita.

 

Pero sinabi rin ni Magsaysay na gusto rin niyang makita ang detalye ng naturang body para mapag-aralan ng Kongreso.

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Arroyo na "Puspusan na ang ginagawa naming reporma sa AFP at ito ay wala nang urungan. Gagawin nating moderno ang Hukbong Sandatahan upang maabot nito ang rurok ng pamantayan ng kakayahan at kahusayan sa larangan ng pakikibaka at sa misyong militar na hindi labanan. Ang propesyonalismo ng militar ang magsusulong ng hangarin nating makamtan ang pambansng kapanatagan at ang pamamayani ng batas.

 

1
1603
تعليقات (0)