US Choppers sa Iraq, nagbanggaan; 12 patay

PLPHP - AFP

BAGHDAD-Labindalawang sundalong Amerikano ang nasawi makaraang magbanggaan ang dalawang US helicopters sa hilagang Iraq, kasabay ng paghahayag ng US-led interim administration na ang eleksyon dito ay posibleng ganapin sa pagtatapos ng 2005.

 

"There are 12 coalition soldiers killed and nine wounded," ayon sa tagapagsalita sa AFP. Ayon sa military official, dalawang Blackhawk helicopters ang bumagsak sa kanluran ng Mosul.

 

Sinabi ng isang AFP correspondent sa lugar na pinangyarihan na nakita niya ang isang helicopter na nagliliyab na bumulusok sa isang kalsada sa residential neighborhood sa sentro ng lungsod.

 

Agad namang kinordon ng US troops ang lugar kung saan dumulog ang fire engines at mga ambulansya. Ayon sa isang Iraqi police officer, nakita niya ang mga salarin na tinatambangan ang isang US foot patrol sa lugar, na naging dahilan upang dumulog ang Blackhawk helicopter.

 

Aniya, di nagtagal ay isang missile ang pinakawalan tungo sa chopper, na bumangga sa pangalawang Blackhawk habang pinilit nitong iwasan ang missile.

 

Sa Baghdad, inihayag ng US-appointed Governing Council ang timetable para sa paglilipat ng kapangyarihan ng American-led coalition sa Iraqi.

 

"There will be elections for a government which will draft a constitution before the end of 2005," ani Jalal Talabani, na kasalukuyang pinuno ng konseho.

 

 

1
1606
تعليقات (0)