Japan, di takot sa al-Qaida

PLPHP - AFP

TOKYO-Hindi takot si Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi sa ulat na bantang pag-atake ng al-Qaida sa Japan sakaling magpadala ito ng tropa sa Iraq.

 

Iniulat ng London-based Saudi newspaper Al-Majallah na nakatanggap ito ng statement mula sa al-Qaida na nagbabala sa Japan na huwag magpadala ng tropa sa Iraq. Inamin din sa nabanggit na pahayag ng grupo ang responsibilidad sa pag-atake sa Italian forces noong nakaraang linggo.

 

"Terrorist threats have been made everywhere in the world. We must not give in to the threats," ani Koizumi sa mga mamamahayag.

 

"We are collecting information related to the report through the Japanese embassy in London," anang opisyal. "First, we need to confirm the credibility of the report."

 

Naiulat na nagbabala si Abu Mohammed al-Ablaj, diumano'y lider ng al-Qaida, sa Japan kaugnay ng pagpapadala ng tropa sa Iraq.

 

"If they want to destroy their economic power and be trampled under the feet of the combatants of Allah, let them come to Iraq," aniya. "Our strikes will reach the heart of Tokyo." Binalewala ni Chief Cabinet Secretary Yasuo Fukuda ang ulat.

 

Inihayag ng Japanese government na nananatili pa rin silang bukas sa pagtulong sa pagbabangon muli ng Iraq ngunit wala lamang sa tiyempo ang pagpapadala ng tropa dahil sa usaping panseguridad.

 

1
1607
تعليقات (0)