Bitay Ibabalik

Nina Niel Villegas at Anthony Vargas, Correspondent

BINAWI kahapon ni Pangulong Arroyo ang kanyang utos laban sa bitay dahil sa sunud-sunod na insidente ng kidnapping at hold up nitong mga nakaraang linggo.

Pahayag ng Pangulo, "Kahit na ayaw ko, dahil sa prinsipyong pang-moralidad, sa pagkuha ng buhay sa ganitong paraan dapat sumuko ang Pangulo sa higit na mataas na kapakanan ng taumbayan kapag idinidikta ng lubos na natatanging kaganapan."

Bagama't aminado si Presidential Spokesperson Ignacio Bunye na nangako ang Pangulo sa Papa Juan Pablo II na tatalikuran ang parusang bitay, sinabi niyang higit na kinatigan ni Gng. Arroyo ang problema ng kriminalidad sa bansa kaya muling isinulong niya ito.

Idinagdag ni Bunye na sisimulan sa Enero ang pagbitay ng mga kriminal. Ayon sa Department of Justice, dalawang kondenadong kriminal ang nakalinya upang iniksyunan ng lason sa katawan.

Nilinaw ni Bunye na nahirapan ang Pangulo na magdesisyon pabor sa parusang bitay. Naniniwala ang Pangulo, ani Bunye, na masusupil at masisindak ng parusang kamatayan ang mga kriminal tulad ng mga kidnapper at holdaper.

Samantala, nagpahayag ng kasiyahan ang Chinese community sa naging desisyon ni Pangulong Arroyo na ibalik ang parusang kamatayan.

Sinabi ni Joaquin Sy, presidente Tsinoy group na "Kaisa Para sa Kaunlaran" na karamihan sa mga Tsinoy ay natuwa sa naging desisyong ito ni Pangulong Arroyo.

"Kung maaari lang ayaw namin sa death penalty, pero talagang kailangan natin ito dahil ang mga kriminal ngayon ay mas matatapang at garapal," sabi ni Sy.

1
1650
تعليقات (0)