Baath Party ni Saddam Hussein, nagbagong-anyo

PLPHP - Reuters

LONDON-Nagsimula nang magpangkat muli ang mga miyembro ng Baath Party, ang dating political base ng napatalsik na si Saddam Hussein, ayon sa special representative to Iraq ng Britain, ulat ng Financial Times kahapon.

Isinaad ng pahayagan, na ang dating Baathist leaders na bumagsak kasama ni Saddam ay nabuo ng bagong partido sa ilalim ng bagong pangalan upang makiisa sa pulitika sa bansa na hindi na kasama ang dating lider ng Iraq.

"There was 'evidence of motivation and the beginning of some activity' among Baathists," hayag ni Britain's special representative to Iraq, Sir Jeremy Greenstock, sa Financial Times. "Iraqis will be watching this very closely."

Ayon naman sa US officials ang mga tagasuporta ni Saddam at ng Baath Party ang nasa likod ng mga pag-atake sa US forces sa Baghdad.

Matatandaang una nang nilansag ni US administrator Paul Bremer ang Baathist sa pamamagitan ng pagdurog sa Iraqi armed forces, security services at defense and information ministries noong Mayo.

Ngunit ang pagkilos na ito ay nagbunga ng pagkawala ng trabaho ng humigit-kumulang 400,000 katao, karamihan ay Sunni na kilalang bahagi ng puwersa ni Saddam.

Ayon sa bagong plano na inilunsad noong Nobyembre ng Washington at ng US-appointed Iraqi Governing Council, ang regional caucuses ay pipili ng national assembly sa Mayo, at pipili ng transitional government bago magtapos ang Hunyo.

Babawiin ng pamahalaan ang kapangyarihan sa Hulyo at ang konstitusyon ay isusulat at gaganapin ang eleksyon sa pagtatapos ng taong 2005
1
1653
تعليقات (0)