MINLF, Nakaalerto sa Lanao

Karl B. Kaufman, Kabayan

INALERTO ng Moro Islamic Liberation Front ang kanilang mga tropa sa Lanao at Maguindanao noong Biyernes matapos mapaulat ang presensya ng mga armadong US troop sa Marawi City, ayon sa tagapagsalita nito kahapon.

Tinatayang 14 na miyembro ng US Army, na naka-full battle gear, ang umano'y namataan malapit sa isang resort sa Marawi City noong Huwebes kasama ang hindi mabilang ng mga sundalong Pilipino. Hindi umano nabatid ang tunay na misyon ng mga ito sa lugar, ayon kay Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF.

Kinumpirma ni Maj. Menanding Macatuon, Army official sa Lanao provinces, ang presensya ng US troops ngunit sinabing ang mga ito ay nagsasagawa lamang ng humanitarian at medical missions sa mahihirap na barangay sa Lanao del Sur.

"As far as our information are concerned, the Americans are there to hold humanitarian missions. But what bothers us is the fact that these foreign troops are in full battle gear. If they would harm us, we are prepared. We are ready for any eventuality," ani Kabalu sa isang panayam sa telepono.

Hinihinala ng mga Moro rebel na ang grupo ay patungong Mt. Cararao, matatagpuan sa hangganan ng Lanao del Sur at Maguindanao, upang berepikanin ang mga ulat ng presensya umano ng kapatid ni Fathur Rohman al-Ghozi at 31 pang Jemaah Islamiyah terrorists sa rehiyon.

 

1
1668
تعليقات (0)