2 Car Bombs Sumabog sa Police Station; 9 patay, 27 pa sugatan

PLPHP - Reuters

BAGHDAD-Dalawang car bomb ang sumabog sa istasyon ng pulis malapit sa Baghdad, kahapon kung saan siyam ang sinasabing namatay at winasak ang anumang pag-asa na matatapos na ang karahasan matapos matiklo si Saddam Hussein.

 

Ang unang car bomb ay sumabag sa Zuhour police station sa Husseiniyah village, 30 kilometro (18 miles) hilaga ng Baghdad. Siyam ang iniulat na namatay at mahigit 20 pa ang nasugatan, sinabi ng isang police official sa Reuters.

 

Pagkaraan ng ilang minuto, sumabog ang isa pang car bomb sa labas ng Amiriyah criminal investigation department sa Baghdad kung saan pito ang sinasabing nasugatan.

 

Isa pang car bomb ang nadiskubre malapit sa Amiriyah at matagumpay namang na-defuse ito. Ang serye ng pag-atake ay naganap dalawang araw matapos mahuli ng US troops si Saddam malapit sa kanyang bayan na Tikrit. Sinisisi ang mga loyalista ni Saddam sa nangyayaring atake sa mga sundalong Amerikano at kaalyadong puwersa ng Iraq.

 

Noong Linggo, isang car bomb ang pumatay sa 17 katao sa isang police station sa silangan ng Baghdad.

 

1
1884
تعليقات (0)