Listahan ng 'terrorist' group, inilabas ng China

PLPHP - AFP

CHINA-Nagpalabas ng kauna-unahan nitong listahan ng mga "terrorist" group ang China, at sinisi ang mga ito sa nangyayaring serye ng pambobomba at pananambang, kasabay ng panawagan para sa tulong ng international communities upang tuluyan nang malupil ang mga ito.

 

Ang mga ito ay ang Eastern Turkistan Islamic Movement (ETIM), Eastern Turkistan Liberation Organization (ETLO), World Uighur Youth Congress (WUYC) at ang East Turkistan Information Center (ETIC).

 

Ang mga grupo ay inaakusahang bumubuo ng isang independent Islamic state na tinatawag na "East Turkistan" sa northwest China's Xinjiang region, na karamihan ng naninirahan ay mga Turkish-speaking Uighur Muslims.

 

Ang mga East Turkistan forces sa loob at labas ng China ay matagal nang nagpaplano at nagsasagawa ng mga pambobomba, pananambang, panununog, pag-atake at iba pang aktibidad sa Xinjiang at ibang lugar sa China, ayon sa Ministry of Public Security official na si Zhao Yongshen.

 

Ang atake ay isinasagawa "to achieve their goal of undermining national unity," ani Zhao, deputy director ng bureau of anti-terrorism ng nasabing ministry.

 

Nanawagan din ito ng tulong mula sa mga bansa kung saan may operasyon ang grupo.

 

 

1
1885
تعليقات (0)