Abu Bakar Bashir Nasentensiyahan Na Mabiulanggo ng Apat Na Taon

Lourdes Wright. NEMBC

Ang Pangunahing Ministro ay nagsabi na maraming mga Awstralyano ang sasama ang loob dahilan sa ang Indonesyan na pari na si Abu Bashir ay nahatulan lamang ng apat na taong pagkabilanggo sa Indonesia nang linggong ito.

 

Sinabi ni G. Howard na maraming mga Awstralyano ang naniniwala na si Bashir ay ang lider na ispirituwal ng Jemaah Islamiah, ang grupo na may kaugnayan sa pagbomba sa Bali.

 

Ang hukuman ng Indonesia ay natagpuan si Bashir na nagkasala ng pagtataksil at

panlilinlang sa imigrasyon subalit walang kaugnayan sa JI.

 

Ang Ministro ng Foreign Affairs na si Alexander Downer ay nagsabi na ang pamahalaan ay umasang ang sentensiya ay hanggang 12 taong pagkabilanggo.

 

Gayunpaman, sinabi ni G. Downer na ang Indonesia ay nagtrabaho ng mabuti upang kaharapin ang terorismo simula nang nakaraang taong pagbomba sa Bali at sa bandang huli ang disisyon ay nakasalalay sa hukuman.

1
859
تعليقات (0)