ME Road Map, Nadiskaril; Arafat, pinaaalis

AP

RAMALLAH, West Bank- Inilagay ni Palestinian Prime Minister Mahmud Abbas sa balag ng alanganin ang peace process sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin habang tinangka ng Israel na patayin ang spiritual chief ng Hamas.

 

Tinanggap ni Yasser Arafat ang pagbibitiw ni Abbas, na minsan niyang naging kaalyado. Sa susunod na limang linggo inaasahang mapapalitan si Abbas at mabubuo ang isang bagong pamahalaan.

 

Samantala, ayon kay Israeli Foreign Minister Silvan Shalom, dapat patalsikin ng Israel si alestinian President Yasser Arafat mula sa Palestinian territories kasunod ng pagbibitiw ni Abbas.

 

Sa sulat kay Arafat, sinabi ni Abbas na magbibitiw siya dahil sa "harsh and dangerous domestic incitement" laban sa pamahalaan at kakulangan ng suporta sa kanyang aksyon.

 

Sinisi rin ni Abbas ang kawalan ng pagpupunyagi ng Israel na maipatupad ang Mideast roadmap for peace at ang kabiguan ng US na pigilan ang Israel sa military operations, saad ng isang pahayag.

 

Ayon sa mga Palestinian source posibleng si parliament speaker Ahmad Qorei, isang beterano sa Oslo peace accords, at finance minister Salam Fayad ang papalit kay Abbas.

 

Gayunman, ani Saeb Erakat, malapit na kaalyado ni Arafat na naitalagang negotiations minister ni Abbas, maaari pang manatili sa puwesto si Abbas. "President Arafat may accept the resignation of Mahmud Abbas and then ask Mr. Abbas to form the new cabinet," ani Erakat sa CNN. "This is an option and I'm not saying that this is an unlikely option, I think this is a strong option."

 

"The resignation of the Palestinian prime minister is a step backwards for the peace process, which was already doing badly, and is a clear demonstration that the more moderate side [of the Palestinian leadership] has lost," ani Romano Prodi, presidente ng EU's executive arm, ang European Commission.

 

1
867
تعليقات (0)