Tamang' Hinala sa Bush Visit

Malou Rongalerios & Ely Saludar, STAR

Umapela kahapon si House committee on national defense chairman Prospero Pichay sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na huwag isipin na ang pagdalaw sa bansa ni US Pres. George Bush ay isang palatandaan upang hikayatin si Pangulong Arroyo upang kumandidato sa 2004 presidential elections.


Naniniwala ang kinatawan mula sa Surigao del Sur na ang pagbisita ni Bush ay isang pasasalamat at pagsuporta ng pamahalaang Amerika sa matibay na paninindigan ng Pilipinas laban sa terorismo.


"Maraming Pilipino ang aalma at tututol kung sakaling iendorso ni President Bush si President Arroyo dahil tinitignan ito bilang isang pakikialam ng Amerika sa usaping lokal ng Pilipinas," ayon pa sa pahayag ni Pichay.


Gayunpaman, naniniwala rin si Pichay na karapatan ni Bush na magbigay ng kanyang personal na manok para sa darating na halalan, tulad ng iba pang pinuno ng iba pang bansa.


Samantala, wala pang desisyon si Pangulong Arroyo kung magsisilbing caretaker si Vice President Teofisto Guingona sa pag-alis nito patungongg Amerika at
Europe.


Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi pa binanggit ng Pangulo kung sino ang itatalaga nito bilang caretaker habang wala ito sa bansa mula Sept. 24 hanggang Sept. 30.


Ito ay sa gitna ng mga banat ni Guingona laban sa administrasyon na nagsabing maaaring bumagsak ang gobyerno o humantong sa civil war kung hindi mareresolba ang Jose Pidal scandal.

1
891
تعليقات (0)