2 pa, Hinatulan sa Bali blast

Reuters

BALI, Indonesia-Hinatulan ng mga hukom sa Indonesia ang isang lalaki na nagnakaw sa isang gold shop upang makatulong sa pagpopondo sa pagbomba sa mga nightclub sa Bali noong nakaraang taon, at isa pa na nagtago sa hinihinalang utak ng mga pagsabog.

 

Si Andri Oktavia, na ayon sa hukom ay sangkot sa naganap na pagnanakaw noong Agosto 2002 at pinangunahan ni convicted Bali blast organizer Imam Samudra, ay hinatulang mabilanggo ng 16 na taon.

 

Si Samudra ay kasalukuyang nakahanay sa death row bilang utak ng mga pambobomba. Si Oktavia ang ikaapat na suspek sa pagnanakaw na hinatulan ng mula 15 at 16 na taong pagkabilanggo.

 

Sa hiwalay na paglilitis, napatunayang nagkasala ng Denpasar district court kahapon si Makmuri ng pagtulong sa mga Bali bomber.

 

Hinatulan si Makmuri ng pitong taong pagkakulong sa ginawang pagtatago kay Mukhlas, inakusahang senior member ng Jemaah Islamiah network at nagplano ng Bali bombings na pumatay sa may 202 katao, na karamihan ay mga dayuhan. Ilan pang tumulong kay Mukhlas ang nililitis sa kasalukuyan.

 

Matapos ang October 12, 2002 blasts sa Bali, nagtago si Mukhlas sa maliit na bayan sa central Java bago naaresto at kanyang mga kasabwat noong nakaraang Disyembre.

1
907
تعليقات (0)