Pagkabigo ng WTO, Tagumpay ng NGOs

Roderick T. de la Cruz

MAKALILIGTAS sa ngayon ang mga magsasakang Pilipino sa liberalization na ipinatutupad ng World Trade Organization na nagiging dahilan ng mabuway na presyo. Ito ay matapos na itigil kahapon ang ikalimang ministerial confe-rence sa Cancun, Mexico, na walang nalalagdaang pinagka-sunduan, ayon sa ilang Manila-based non-government organi-zation.

 

"It was a victory for the small farmers, the fishers, the shoemakers, and the workers who, at least for now, have been shielded from the prospect of accelerated trade libera-lization," pahayag ng Stop the New Round! (SNR) Coalition.

 

Kung natuloy ang kumperensya, pag-uusapan sana sa Cancun ministerial meeting ang tungkol sa mga negosasyon sa Doha Declaration na ang pag-uusapan ay tungkol sa agrikultura. Sinabi ng ilang source sa Department of Agriculture na dahil walang naging deklarasyon sa Cancun, maaari nang itulak ng Pilipinas ang na pagprotekta sa bigas, mais, asukal, gulay, ulam at manukan.

 

Nauna rito, tinukoy ni Agriculture Secretary Luis P. Lorenzo Jr. ang anim na produkto sa kanyang listahan ng mga mga strategic products (SPs), na dapat bigyan lamang ng minimal tariff reduction dahil ito ang mga pangunahing pangangailangan ng bansa.

1
908
تعليقات (0)