8 sibilyan, patay sa US air strike sa Taliban

PLPHP

KABUL-Tinatayang walong sibilyan ang kasama sa mga nasawi sa isang US air strike sa katimugang probinsya ng Afghanistan, sa Zabul, na pumatay rin sa isang Taliban commander, ayon sa isang Afghan official.

 

Namatay sa kanilang higaan ang mga sibilyan, mga nomad na babae at mga bata, nang bumagsak ang isang bomba sa kanilang tent sa Naw Bahar district ng Zabul noong Miyerkules ng gabi, ani Mohammad Omar, deputy governor ng Zabul.

 

Sinabi niya na kasama ring namatay si Mohammad Gul Neyazi, isang top commander ng Taliban, at isa pang gerilyang Taliban sa paglusob sa remote district malapit sa hangganan ng Pakistan.

 

"The figure I have for the civilian death toll is at least eight," ani Omar. "The Taliban commander and his friend were apparently using a satellite phone, the signal of which was detected by American planes which then carried out the attack."

 

Sinabi ng mga sundalong Amerikano noong Huwebes na ang air strike ng mga US-led forces ay pumatay sa 11 Taliban fighter sa nakalipas na tatlong araw sa katimugang probinsya ng Kandahar at Zabul.

 

Ang mga paglusob ay bahagi ng "Operation Mountain Viper," na inilunsad noong Agosto bilang tugon sa pananatili ng daan-daang gerilyang Taliban at mga kakampi sa mga probinsya ng Uruzgan at Zabul.

1
948
تعليقات (0)