Sa Pagdalaw sa RP Negosyo, trabaho dala ni Bush

Maila Ager

IGINIIT kahapon ni Pangulong Macapagal-Arroyo na ang pagbisita ni US President George Bush sa Oktubre 18 ay magdadala ng negosyante sa bansa at trabaho para sa mga Filipino.

 

Inihayag ito ng Pangulo sa kainitan ng protesta ng ilang sektor sa pagdalaw ni Bush. Nagbanta ang mga tumututol sa pagbisita ni Bush na sasalubungin nila ng malawakang protesta ang walong oras na pagdalaw sa Pilipinas ng US president.

 

"I believe that the visit of Pres. Bush would strengthen the trust of investors to put up business in our country not to mention the economic and military packages we could get from it," wika ng Pangulo.

 

Gayunman, nilinaw ni GMA na magtatagumpay lamang ang pamahalaan sa pagpapanumbalik ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan kung masisiguro ang katatagan ng bansa.

 

"So if we want to generate more employment, we should then maintain peace and order in the country," paliwanag ng Pangulo.

 

Sinisikap ng pamahalaan na marekober ang napaulat na 760,000 trabahong nawala sa sektor ng agrikultura noong Hulyo dahil sa nagdaang mga bagyo.

 

Ipinag-utos na ng Pangulo sa Department of Agriculture (DA) ang pagpapalabas ng P1-bilyong financial assistance sa mga magsasaka, mangingisda at negosyante upang makalikha ng halos 200,000 trabaho sa susunod na 30 araw.

 

Sa panig naman ng Department of Trade and Industry (DTI), inaprubahan na nito ang P22-bilyong investment sa unang anim na buwan ngayong taon upang makalikha ng 39,000 trabaho.

 

Sa sitwasyong ito, nanindigan ang Pangulo sa pagsasabing nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa dahil sa mga pagbabagong ipinatutupad ng pamahalaan.

 

"Even Fitch ratings had assured our government that it would retain its stable outlook on our country's foreign and local borrowings. Price of Global bonds has also improved," paliwanag pa ng Pangulo.

 

1
949
تعليقات (0)