Pinakamatitinding Buhawi

PLPHP

MIAMI-Inaasahan ang pagdating ng Hurricane Isabel na nananalanta ngayon sa US East coast sa North Carolina sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

 

Samantala, inilabas ng National Hurricane Center kahapon ang listahan ng pinakamatitinding buhawi na tumama sa United States sapul noong 1900. Natukoy ang mga ito dahil sa pinsala sa buhay at ari-arian na kanilang idinulot. Naganap ang matitinding tropical cyclones sa US bago pa man ito pangalanan ng NHC noong 1954.

 

Noong 1900, 8,00 katao ang namatay sa buhawi sa Galveston, Texas habang 1,836 ang nasawi sa southeast ng Lake Okeechobee sa Florida nang halos lamunin ng tubig na kasing taas ng isang pader ang mga komunidad dito.

 

Ang ikatlong buhawi ay tumama sa Florida Keys at southern Texas noong 1919 kung saan 600 katao ang namatay sa lupa pa lamang habang mahigit 500 ang nasawi sa lumubog na barko.

 

Pinakamatindi naman ang pinsala ng Hurricane Andrew na nakasira ng $26.5 billion halaga ng ari-arian noong 1992 sa southeast Florida at Louisiana.

 

Pumangalawa ang Hurricane Hugo na sumira ng $7 billion sa South Carolina noong 1989 kasunod ang Hurricane Floyd sa Mid-Atlantic at northeast US states noong 1999. Umabot sa $4.5 billion ang nasira rito.

 

Tatlong category 5 na bagyong may lakas na lagpas sa 155 mph ang tumama sa United States noong 1900. Sa kasalukuyan, nasa category 2 pa lamang ang Isabel.

 

Isang hindi napangalanang buhawi ang tumama sa Florida Keys noong 1935 at may central pressure ito na 892 millibars o 26.35 inches. Ang central pressure ang nagdedetermina ng lakas ng bagyo. Kapag maliit ang central pressure, malakas ang bagyo.

 

Nagrehistro naman ng central pressure na 909 millibars o 26.84 inches ang Hurricane Camille sa Mississippi, Louisiana at Virginia noong 1960 habang may 922 millibars o 27.23 inches ang Hurricane Andrew na tumama sa southeast Florida at Louisiana noong 1992.

 

1
962
تعليقات (0)