2 Sayyaf Nabitag

Al Jacinto

ZAMBOANGA CITY --- Dalawang rebeldeng Abu Sayyaf ang nadakip ng pulisya sa raid na isinagawa sa bayan ng Talipao sa lalawigan ng Sulu.

 

Ayon sa pulisya, naaresto ang dalawa ngunit hindi muna ipinaalam dahil sa isinagawang follow-up operation kontra Abu Sayyaf sa lalawigan, ayon kay Chief Supt. Acmad Omar, commander ng pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

 

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Omar ukol sa isinagawang interogasyon upang hindi malagay sa alanganin ang puwersang tumutugis sa Sayyaf.

 

Gayunpaman, ayon sa police report, sabit umano ang dalawang rebelde sa serye ng kidnapping at pag-atake sa mga security forces sa Sulu.

 

Kamakalawa ay napatay naman ng mga parak sa Bongao, Tawi-Tawi ang isang kilabot na Abu Sayyaf sub-leader na si Commander Que Alkisam Alfa na itinuturong may kinalaman sa pagkakadukot at pagpatay sa dalawang US hostage sa Mindanao.

1
973
تعليقات (0)