Hambali, 'nagturo'; kapatid, 14 pa huli sa Pakistan

PLPHP - AP

KUALA LUMPUR, Malaysia-Bunga ng imbestigasyon kay Hambali, naaresto sa Pakistan ang dalawa pang Indonesian, kabilang ang nakababatang kapatid ng una at 13 pang mag-aaral na Malaysian na hinihinalang sangkot sa militante, pahayag ng deputy leader ng Malaysia.

 

Si Hambali, na ang tunay na pangalan ay Riduan Isamuddin, ang most wanted man sa Southeast Asia hanggang sa naaresto siya noong Agosto 11 sa Thailand ng Thai police at Central Intelligence Agency. Dinala siya ng US authorities sa hindi ibinunyag na lugar.

 

Nahuli ng Pakistani police ang kanyang kapatid na si Rusman Gunawan, at iba pang estudyante noong Sabado sa isang pagsalakay sa tatlong Islamic schools sa Karachi.

 

Ang pagkakaaresto sa mga nabanggit ay inaasahang maghahayag ng ugnayan ng mga grupong al-Qaida at Jemaah Islamiyah.

 

"The Pakistani authorities identified them from the investigations carried out on Hambali," ani Malaysian Deputy Prime Minister Abdullah Ahmad Badawi sa New Straits Times newspaper kahapon.

 

"They found Hambali had contacts in the country, and it was through his contacts that the Pakistani authorities identified the students," ani Abdullah.

 

Ang Malaysia ay kasalukuyang may hawak na 70 hinihinalang militante, karamihan ay hinihinalang miyembro ng Jemaah Islamiyah. Hawak din ng Malaysia ang asawa ni Hambali na si Noralwizah Lee Abdullah.

1
976
تعليقات (0)