Hadith Tungkol sa Ugnayang Panlipunan 2

--
Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang mabuting kasama at ang masamang kasama ay tulad ng isang nagtitinda ng musk (pabango) at ng isang (panday na) gumagamit ng bulusan. Ang isang nagtitinda ng pagbango ay maaari ka niyang bigyan o maaari kang bumili sa kanya o maaaring dumikit sa iyo ang amoy ng pabango. Subali't ang isang (panday na) gumagamit ng bulusan ay maaaring sunugin ang iyong damit o maaaring mangamoy usok ka." (Bukhari at Muslim)

PLPHP - ISCAG Philippines

1
6766
تعليقات (0)